Nagbitiw na si Secretary Liza Maza bilang pinuno ng National Anti-Poverty Commission o NAPC.
Ayon kay Maza, ‘irrevocable’ ang resignation letter na ipinadala niya sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga pangunahing dahilan na ibinigay ni Maza ang anya’y harassment sa kanila nang buhayin ang double murder case laban sa kanya at mga kasamahan sa maka-kaliwang grupo at ang tuluyang pagkansela ng Pangulo sa peace talks sa komunistang grupo.
Pinuna ni Maza na wala ring matatamong pagbabago dahil nakabalik na ang mga pinaniniwalaang naging tiwaling opisyal ng pamahalaan tulad ng mga Marcos at ngayo’y House Speaker Gloria Arroyo.
Sinabi ni Maza na magbabalik na lamang siya sa kilusan ng mamamayan dahil mas epektibo niyang maisusulong doon ang kanyang mga adhikain at adbokasiya sa mahaba nang panahon.
Just In : NAPC Sec.Liza Maza resigns @dwiz882 pic.twitter.com/1nD6FmL5C1
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) August 20, 2018
—-