Kukunsultahin muna ni Dating Special Action Force o SAF Director Getulio Napeñas ang kanyang abogado makaraang imungkahi ng mga kaanak ng SAF 44 na tumestigo siya laban kay Dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa Mamasapano incident.
Sinabi ni Napeñas na kung siya ang tatanungin sa korte, ilalahad niya ang buong katotohanan kung saan si Dating Pangulong Aquino ang aniya’y major player ng Oplan Exodus at dapat panagutin din ng batas.
Taliwas iyon sa ginawang pagdiin sa kanya ng Dating Pangulo.
Samantala, una nang iminungkahi ng abogado ng SAF 44 families na si Attorney Ferdinand Topacio na magsampa ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide laban kina Napeñas, dating Pangulong Aquino, at kay dating Philippine National Police o PNP Chief Alan Purisima.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc