Umaasa si dating SAF Chief Getulio Napeñas na maibibigay na ang mga nararapat na parangal sa mga karapat-dapat na miyembro ng Special Action Force na nasawi sa Mamasapano encounter noong nakaraang taon.
Ayon kay Napeñas, hindi na dapat patagalin pa ang pagpapasya kung anong parangal ang dapat igawad sa SAF 44 lalo pa’t anibersaryo na ng insidente sa Lunes, January 25.
Partikular na tinukoy ni Napeñas ang medal of valor para kina PO2 Romeo Cempron at Senior Inspector Gednat Tabdi na hanggang ngayon ay hindi pa mapagpasyahan ng Pangulong Benigno Aquino III kung igagawad o hindi.
Ipinaliwanag ni Napeñas na maaari pa rin namang gawaran ng mas mataas na parangal ang mga nauna nang nabigyan ng award.
“Sana kung maibigay na din sa Lunes yan napakalaking bagay para sa pagpapaayos nung karamdaman, nung morale, hindi lang sa mga naulila kasama na din ang buong SAF troopers at buong Kapulisan, kasi kapag may nabibigyan ng ganyang parangal na kabaro nating pulis, hindi lang sila ang maramgal kundi ikinararangal din naming bilang miyembro ng kapulisan.” Pahayag ni Napeñas.
By Len Aguirre | Karambola