Maituturing na trahedya ang napipintong pag apruba ng Kongreso sa panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan ngayong Kapaskuhan.
Ayon ito kay CBCP President Socrates Villegas dahil malinaw na pagkontra sa moralidad ng Simbahang Katolika ang pagbuhay sa death penalty.
Ipinabatid ni Villegas ang pagkakasa nila ng misa sa kanilang diocese sa December 10 at 11 dahil sa patuloy na paggigiit na huwag nang buhayin pa ang parusang kamatayan.
Magpapatunog din ng kampana ang Simbahang Katolika sa loob ng 15 minuto simula alas 6:00 ng gabi mula December 10 hanggang 12.
Sinabi pa ni Villegas na kasado na rin ang Prayer Rally for Life sa December 12 sa Parish of Sta. Dominic sa san Carlos City.
By: Judith Larino