Nanindigan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi makaapekto ang napipintong suspensyon ng rice importation sa inflation ng Pilipinas.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, walang kahit anong “significant impact” sa presyo ng bigas ang pinaplanong pagsuspinde sa RTL o Rice Tarrification Law.
Aniya, marami pang imports ang darating sa bansa at paparating din ang harvest season kaya baka lalo aniyang bumaba ang presyo ng bigas sa merkado.
Magugunitang muling binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes ang planong pagsuspinde sa RTL ngunit walang iba pang impormasyon ang inilabas hinggil dito.