Nakuha na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang P 1,000 polymer banknote na aksidenteng naplantsa ng isang lalaki.
Ayon sa nagbahagi ng ulat ng si Jonathan De Vera, mismong ang BSP ang kumontak sa kaniya matapos niyang ibahagi ang nangyari sa social media.
Pinapirma umano siya ng isang form ng BSP at tiniyak na iimbestigahan ang nangyari sa pera.
Pinuri naman ni De Vera ang mabilis na pag-aksyon ng BSP sa nangyari.
Umaasa rin ito na mapapalitan ang pera ngunit kung sakaling hindi na ay gagawin na lang niya umano itong “souvenir.”