Nalulugi ng P1-B kada buwan ang National Power Corporation dahil sa pabagu-bagong presyo ng diesel fuel.
Nabatid na ang pagbabago sa presyo ay nagdulot ng pag-igting ng organisasyon sa pagsisikap nito sa pag-hybridize ng diesel-fired power plants sa mga off-grid na lugar.
Binigyang-diin ng pangulo at CEO ng NAPOCOR na si Fernando Roxas ang pangangailangan para sa mga hakbang na ito upang matugunan ang mga hamon sa pananalapi dulot ng pabago-bagong presyo ng diesel fuel.
Sinabi ni Roxas na itinakda ng NAPOCOR ang kanilang diesel rates para makabawi ng Php 35 kada litro.
Gayunpaman, ang tumataas na halaga ng diesel fuel, na umabot na sa Php 70 kada litro, ay lalong nagpalala sa pagkalugi sa pananalapi ng korporasyong responsable sa pamamahala sa small power utilities group power plants sa mga off-grid areas.
Ipinaliwanag ni roxas na ang ahensya ay kulang sa mga kinakailangang pondo para independeng isagawa ang paglipat ng enerhiya.
Sa ngayon, pinangangasiwaan ng napocor ang pagpapatakbo at pagpapanatili ng 281 spug power plants, pangunahing pinagagana ng diesel, na matatagpuan sa 189 na munisipalidad sa buong Pilipinas.