Uunahin sa isasagawang Lifestyle Check ang mga pulis na pinaghihinalaang sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.
Sinabi ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na uunahin muna ang mga pinaghihinalaan dahil napakalaking trabaho, aniya, kung iimbestigahan agad lahat ng pulis.
Ilang araw makaraang isapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Heneral na sangkot sa droga, inilabas ni Interior Secretary Ismael Sueno ang direktiba para sa Lifestyle Check na isasagawa ng National Police Commission.
Sa ngayon, bukod sa Lifestyle Check, iniimbestigahan na ng NAPOLCOM ang mga hinihinalang kriminal na gawain nina Retired General Marcelo Garbo, Retired General Vicente Loot, General Joel Pagdilao, General Bernardo Diaz, at General Edgardo Tinio.
By: Avee Devierte