Nagkukumahog na ang National Police Commission o NAPOLCOM para tapusin ang imbestigasyon laban kay dating PNP chief general Oscar Albayalde.
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman at Executive Officer Rogelio Casurao, nais nilang maisumite sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng imbestigasyon bago ang retirement ni Albayalde sa November 8.
Sinabi ni Casurao na nais nilang matapos ang imbestigasyon bago mawala ang hurisdiksyon nila kay Albayalde kapag nagretiro na ito.
Si Albayalde ay inaakusahan ng pagbibigay proteksyon sa mga dati nitong tauhan sa Pampanga PNP na akusado bilang ‘ninja cops’.