Naka-lockdown ng tatlong araw ang punong tanggapan ng National Police Commission (NAPOLCOM) matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang ilang empleyado rito.
Sinabi ni NAPOLCOM vice chairman and executive officer Vitaliano Aguirre II na nagsimula ang lockdown ngayong araw na ito hanggang sa Biyernes para ma-disinfect ang buong gusali at maikasa ang contact tracing activity.
Dahil dito, inihayag ni Aguirre na naka-work-from-home muna ang mga empleyado ng NAPOLCOM at nagtalaga na sila ng staff mula sa personnel and administrative service sa ground floor lobby ng opisina para tumanggap ng mga dokumento mula sa mga kliyente.
Balik-normal operations ang NAPOLCOM Center sa Lunes, ika-22 ng Marso.