Kumpirmadong inilipat si pork barrel scam queen Janet Lim Napoles sa mother’s ward ng Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Ipinaliwanag ni CIW Officer-in-Charge Edelinda Patac na ginawa ang paglipat kay Napoles dahil sa congestion o labis na bilang ng mga nakakulong sa general ward.
Ayon kay Patac, kahati ngayon ni Napoles sa selda ang isang kapwa-inmate at anak nito.
Abril 2015 nang ilipat sa CIW si Napoles matapos patawan ng habambuhay na pagkakabilanggo sa kasong illegal detention sa kamag-anak at dating tauhan na si Benhur Luy na ngayo’y testigo na ng pamahalaan sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
By Meann Tanbio