Mananatili pa rin sa bilangguan si pork barrel fund scam queen Janet Lim Napoles kahit pa pinayagan na siyang makapagpiyansa ng dalawang dibisyon ng Sandiganbayan.
Kaugnay ito sa kasong plunder at 7 patong ng graft na isinampa laban sa kanya hinggil sa maanomalyang pork barrel fund scam na kinasasangkutan din ng ilang mga mambabatas.
Paliwanag ng Sandiganbayan, convicted siya sa kasong serious illegal detention si Napoles na isinampa ng whistleblower na si Benhur Luy kaya’t hindi pa rin ito makalalaya.
Nagkakahalaga ng 1.7 milyong piso ang dapat bayarang piyansa ni Napoles para sa 4th at 5th division ng Anti-Graft Court.
Maliban kay Napoles, pinayagan ding magpiyansa sa parehong halaga si dating APEC Partylist Rep. Edgar Valdez sa 5th Division habang sa 4th Division naman si Masbate Gov. Rizalina Seachon Lanete.
By Jaymark Dagala