Tahasang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na ang nakaalitang preso ng negosyanteng si Janet Lim Napoles ang dahilan kaya kailangan itong ilipat ng selda patungo ng mothers’ ward noong nakalipas na linggo.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, batay ito sa naging assessment ni Bureau of Corrections Director Ricardo Rainier Cruz nang magtungo siya sa Correctional Institute for Women sa lungsod ng Mandaluyong noong Biyernes.
Sinabi ni de Lima na pansamantala lamang naman ang pananatili ni Napoles sa mothers’ ward dahil inilipat din siya sa Dormitory 8 na dating disciplinary ward.
Nagkataon umano na ang mothers’ ward ang selda na puwedeng paglipatan agad kaya doon muna inilipat si Napoles.
Inaalam na rin umano ng BUCOR ang dahilan kung bakit nasangkot si Napoles sa alitan sa loob ng Correctional.
By Mariboy Ysibido