Itinakda na ng Third Division ng Sandiganbayan ang trial proper sa kasong plunder laban kina Janet Lim Napoles at Atty. Gigi Reyes.
Ayon sa Sandiganbayan, magsisimula sa January 13, 2016 ang paglilitis sa plunder cases nina Reyes at Napoles.
Gagawin ang paglilitis ng 3 beses kada isang linggo o tuwing Miyerkules, Huwebes at Biyernes hanggang sa buwan ng Hulyo.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)