Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi na mararanasan ng publiko ang krisis sa tubig na naganap noong 2019.
Ayon kay Patrick Ty, Chief Regulator ng MWSS, bagama’t aminado siyang bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam na siyang nagsu-suplay ng tubig sa malaking bahagi ng metro manila, tiyak naman niyang hindi na ito mauulit.
Noong 2019, dalawang linggong nawalan ng tubig ang Metro Manila na nagresulta ng pagbawas sa pressure nito.
Una nang sinabi ni National Water Resources Board (NWRB) Director Dr. Sevillo David Jr. Na mas handa na ngayon ang bansa sakaling makulangan sa tubig ngayong tag-init. – Sa panulat ni Abigail Malanday