Isa sa tatlong pinakamatinding El Niño na naramdaman ng mundo ang nararamdaman ngayon at posibleng lumakas pa hanggang sa pagtatapos ng taon.
Ayon kay Secretary General Michel Jarraud ng World Meteorogical Organization o WMO, ang nararanasang El Niño sa ngayon ay maaaring ikumpara sa mga naranasan mula 1972 hanggang 1973, 1982 hanggang 1983 at 1997 hanggang 1998.
Gayunman, naniniwala si Jarraud na mas handa na ngayon ang maraming bansa sa epekto ng El Niño lalo na sa agrikultura, fisheries, tubig at maging sa kalusugan.
Ang nakakapangamba anya ay kapag nagsanib ng puwersa ang El Niño na gawa ng kalikasan at pagbabago ng klima na gawa naman ng tao.
Maaari anya itong magresulta sa mas malalakas na bagyo o grabeng heat wave o tag-init.
By Len Aguirre