Ikinaalarma na ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang nararanasan umanong mass transport crisis sa Metro Manila.
Ayon kay Bayan Sec. Gen. Renato Reyes Jr., nararanasan na ngayon sa kalakhang Maynila ang transport crisis dahil sa limitadong train system na mayroon ang rehiyon.
Una na aniyang naranasan ito noong nakaraang linggo kung saan pare-pareho pang nakaranas ng aberya ang LRT-1, LRT-2 at MRT-3.
Dahil dito, kinuwestiyon ni Reyes ang hakbang ng senado sa nasabing insidente.
Aniya, hindi ba dapat imbestigahan ng senado ang aberya sa train systems ng Metro Manila.
Magugunitang noong October 2 ay nagkaroon ng technical problem sa pagitan ng Ortigas at Santolan Station sa MRT-3 dahilan para pababain ang mga pasahero.