Posibleng tumagal pa ng mahigit isang linggo ang mga nararanasang aftershock matapos tumama ang malakas na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon kay PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin ng aftershock ang mga residente sa lalawigan.
Nag-aadjust pa aniya ang mga bato kaya makakaramdam pa rin ng pag-uga ang mga apektadong residente ng magnitude 7.4 earthquake.
Dahil dito, pinayuhan naman ni Director Bacolcol ang mga apektadong residente na kumunsulta sa mga civil engineer at huwag munang pumasok sa kanilang mga bahay kung may makikitang mga bitak pagkatapos ng lindol.