Inihayag ng isang Senador na wake-up call para gumawa na ang pamahalaan ng paraan bago pa lumala ang sitwasyon sa nararanasan ngayon brownout.
Ayon kay Senadora Imee Marcos ang lumalaking pangangailangan natin sa enerhiya ay nangangailangan ng panghihikayat ng mga mamumuhunan sa bansa partikular sa sektor ng enerhiya.
Isinusulong ni Senadora Marcos ang agarang pagpapasa sa panukalang amendment sa foreign investments act sa gitna ng biglaang kawalan ng kuryente sa Luzon sa kasagsagan pa naman ng tag-init.
Iginiit ni Marcos, na ang malayang pamumuhunan ng mga dayuhan sa sektor ng enerhiya ang makapagbibigay ng pangmatagalang solusyon sa tumataas na pangangailangan ng bansa dahil sa pagdami ng populasyon at climate change.
Pabor si marcos sa mas liberal o malayang pamumuhunan, kabilang ang pagpapahintulot sa mas malaking porsyentong pag-aari ng mga dayuhan at pagbaba sa capital requirements sa ilang mga industriya.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno