Itinuturing na biyaya ng mga magsasaka sa Ilocos Norte maging sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon ang pag-ulan sa mga nakalipas na araw.
Ayon kay Angel Padron, Chairman ng Provincial Agriculture and Fisheries Council ng Ilocos Norte, bagaman matagal nilang hinintay ang pag-ulan, naniniwala silang hindi naman magkakaroon ng malaking epekto ang La Niña phenomenon sa mga magsasaka.
Aminado si Padron na malaki ang naging epekto ng tagtuyot sa kanilang pangunahing kabuhayan.
Hindi anya sila nakapagtanim dahil sa tagtuyot kaya’t umaasa sila na maipagpapatuloy na ito ng mga magsasaka ngayong may sapat ng tubig.
By Drew Nacino