Masusundan pa ang listahan ng ‘narco-politicians’ na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ito ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa, matapos siyang ulanin ng tawag kasunod ng pagsasapubliko ng Pangulong Duterte ng mga pangalan ng sangkot sa droga.
Kabilang aniya sa kanyang mga natanggap ay ang mga tawag ng galit na residente na nagrereklamo kung bakit hindi kasama sa listahan ang kanilang mayor na kilalang distributor ng droga sa kanilang lugar.
Ayon kay dela Rosa, maaaring sa susunod na listahan ay maisama na ang pangalan ng mga tiwaling opisyal sa Metro Manila.
By Katrina Valle | Jonathan Andal (Patrol 31)