Humarap na kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa Kampo Krame ang mga personalidad na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa iligal na droga.
Ito ay para humabol sa deadline na ibinigay ng Pangulo para linisin ang kanilang mga pangalan.
Ilan sa mga nagtungong personalidad sa Kampo Krame ay mga alkalde at mga pulis.
Kabilang nga dito si Pagadian City Mayor David Navarro.
Bahagi ng pahayag ni Pagadian City Mayor David Navarro
Samantala, nagpahayag naman ng sama ng loob si Bauan, La Union Mayor Ryan Dolor sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa iligal na droga.
Bahagi ng pahayag ni La Union Mayor Ryan Dolor
Ayon kay dela Rosa, ang mga tauhan ng PNP-CIDG ang siyang haharap sa mga umano’y narco politicians habang mga tauhan ng PNP Internal Affairs Service ang siyang mag-aasikaso naman sa mga sumukong police personnel na isinasangkot sa iligal na droga.
Nanindigan naman si dela Rosa na nakabatay sa ebidensya at hindi sa tsismis ang mga personalidad na pinangalanan ng pangulo na sangkot umano sa iligal na droga.
Kasabay nito, nakikipag-ugnayan na rin aniya ang PNP sa Department of Justice para sa mga posibleng ihaing kaso sa mga isinasangkot sa droga.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald dela Rosa
‘Babala ni Bato’
May kalalagyan ang mga pulis na sangkot sa illegal drug trade pero nabigong sumuko sa ibinigay na deadline ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Babala ito ni PNP Chief Director General Rolando “Bato” dela Rosa sa harap ng pagsuko marami sa mga nabanggit na pulis at mayors sa listahan ng Pangulo.
Binigyang diin ni dela Rosa na hindi niya papayagang mamayagpag ang illegal drugs sa bansa hanggat siya ang nasa hepe ng PNP.
Pinayuhan ni dela Rosa ang mga sumukong pulis na gamitin ang pagkakataong ito upang ibunyag ang lahat ng kanilang nalalaman sa illegal drug trade para makatulong sa bansa.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald dela Rosa
DILG
Mananatiling bukas naman ang Department of Interior and Local Government o DILG para sa mga local officials na kasama sa listahan ng mga di umano’y protektor ng drug syndicates.
Pahayag ito ni DILG Secretary Mike Sueno makaraang magtapos ang 24 na oras na taning ni Pangulong Rodrigo Duterte para magreport sa kinabibilangan nilang tanggapan ang mga nasama sa listahan.
Ayon kay Sueno marami sa mga nasa listahan ang nagmula pa sa Mindanao kayat handa niyang bigyan sila ng oras para magtungo dito sa Metro Manila.
Ilan na anya sa mga ito ang tumawag na sa kanya upang tiyakin ang pagharap nila sa kanyang tanggapan.
By Ralph Obina | Len Aguirre | Jonathan Andal (Patrol 31)