Pabor si Department of Interior and Local Government o DILG Undersecretary Epimaco Densing III sa mga panawagang pangalanan na ang mga opisyal ng gobyerno na nasa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Densing na ito ay para maipaalam sa publiko ang mga iligal na gawain ng kanilang mga ibinobotong opisyal.
Batay kasi sa narco-list na hawak ng PDEA, siyamnapu’t tatlong (93) opisyal ng gobyerno na kinabibilangan ng ilang kongresista at alkalde ang sangkot umano sa iligal na droga.
“Kapag ikaw po ay public official, public trust ‘yun eh, iba po ‘yan kapag pribadong tao ka, kung public official ka at may ebidensya na ikaw ay nakakabit sa isang illegal activity eh kailangan pong malaman ng taongbayan.” Ani Densing
(Ratsada Balita Interview)