Ibinunyag ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang narco-politics fund na ginamit sa vote buying nitong eleksyon.
Ayon kay DILG undersecretary Martin Diño, ito ang dahilan kaya’t nanalo pa sa eleksyon ang mga pulitiko na kasama sa narco-list ng pamahalaan.
Pami-pamilya anya ang bilihan ng boto sa mga lugar ng narco-politicians at nasa P10,000 hanggang P25,000 kada pamilya ang presyuhan.
Gayunman, tiniyak ni Diño na babantayan nila ang mga narco-politicians kahit na makaupo ang mga ito sa puwesto.
Partikular anya nilang tututukan ang aksyon ng mga local officials sa pagtatatag ng municipal and city anti-drug abuse council.
42 ‘yan na finile-an naming ng administrative case, kaya nga du’n sa envision na naging functional dito sa ADAC. Kaya ‘yon pati barangay na ‘yon, sunod na ‘yan ng functionality ng BADAC. So, marami na kaming fa-file-an ng kaso ngayon dahil nag-a-assess na kami.” pahayag ni Diño.
Ratsada Balita Interview