Nagbabala ang anti-crime group na VACC o Volunteers Against Crime and Corruption laban sa paglutang ng narco-terrorism sa bansa.
Ayon kay Boy Evangelista, Pangulo ng VACC, hindi malayong terorismo naman ang sumunod na pondohan ng perang galing sa illegal drugs kasunod ng narco-politics o pagpondo sa mga pulitiko.
Isa lamang anya ito sa mga dahilan kung bakit mahalaga na ibalik ang parusang kamatayan sa Pilipinas.
Binigyang diin ni Evangelista na maliban sa puwedeng matakot ang mga kriminal sa death penalty, magsisilbi rin itong parusa o ganti sa mga nakagawa ng karumal dumal na krimen.
Bahagi ng pahayag ni Boy Evangelista, VACC President
Kasabay nito ay hinamon ni Evangelista ang mga mambabatas na tutol sa death penalty na maglatag ng ibang paraan para solusyonan ang malalang problema ng bansa sa karumal-dumal na krimen tulad ng laganap na pagtutulak at pag-manufacture ng illegal drugs.
Bahagi ng pahayag ni Boy Evangelista, VACC President
By Len Aguirre | Ratsada Balita