Aabot lamang sa siyam na porsyentong plastic sa buong mundo ang na-recycle.
Batay sa ulat ng Organisation for Economic Co-Operation and Development Authority, aabot sa 460 milyong tonelada ng plastic ang nagamit noong 2019 na nadoble pa simula 2000.
Pero sa bilang na ito, siyam na porsyento lamang ang na-recycle.
Napupunta ang halos 50% sa sanitary landfills habang sa dumpsites ang nalalabing 22 percent.
Noong 2019, 3.4% ng plastic ang nadagdag sa global greenhouse emissions.—sa panulat ni Abby Malanday