Nagbukas ang National Academy of Sports (NAS) ng scholarship application para sa mga student-athlete para sa school year 2022-2023.
Ayon sa Department of Education (DepEd), naghahanap ang nasabing institusyon ng mga academically competent at athletically talented natural-born na batang Pilipino na karapat-dapat na makatanggap ng scholarship.
Layunin nitong mapalawak ang kakayahan ng mga kabataan pagdating sa akademiya at pampalakasan.
Hinihikayat ni Education Secretary Leonor Briones, ang lahat ng mga student-athletes mula sa mga society sectors kabilang na ang mga indigenous peoples, persons with disabilities at marginalized groups na magpasa ng aplikasyon para sa scholarship.
Ayon sa NAS, nais nilang lumikha ng world-class athletes na kayang makipagkompitensya at maiuwi ang mga medalya mula sa iba’t-ibang kompetisyon sa iba’t-ibang panig ng mundo kabilang na ang Sea Games, Asian Games, Olympics, at sporting events.
Ang mga makukuhang student-athletes ay makakatanggap ng mga insentibo tulad ng libreng matrikula, free board at lodging sa NAS dormitory sa NAS Campus, New Clark City, Capas, Tarlac; probisyon ng dekalidad na edukasyon sa sekondarya; at access sa specialized sports training sa world-class na mga pasilidad.
Maaring isumite nang pisikal ang application forms at requirements sa opisina ng nas sa PhilSports Complex, Bonifacio Gate, Capt. Henry P. Javier St., Oranbo, Pasig City at maari ding magsumite sa kanilang opisyal na website. —sa panulat ni Angelica Doctolero