Halos isa at kalahating milyon ang nadagdag sa bilang ng mga botante para sa 2016 elections.
Ayon sa Commission on Elections o COMELEC, pumapalo na sa 54.5 million ang bilang ng registered voters sa kasalukuyan.
Dahil dito, sinabi ni COMELEC Commissioner Robert Lim na kinakailangan nilang dagdagan ang kanilang gagamiting voting machines.
Sinabi ni Lim na nagpasya silang kumuha ng 3,540 optical mar readers sa smartmatic-tim sa halagang P133 million pesos.
Ito anya ay upang masunod pa rin ang plano ng COMELEC na gumamit ng isang makina sa bawat 800 botante at maiwasan ang mahahabang pila sa mga presinto.
By Len Aguirre