Umabot na sa 108 katao ang na-ospital matapos kumain ng pansit bihon sa dinaluhang political rally sa Lake Sebu, South Cotabato.
Dumadalo ang mga biktima sa kampanya ng kandidato sa pagka-konsehal na si Leo Bobong sa Sitio Bayabas, Barangay Tasiman nang makaranas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka, dalawang oras matapos kumain ng bihon.
Ayon kay Roberto Baggong, Head ng Lake Sebu Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, dahil liblib ang naturang lugar ay inabot sila ng ilang oras bago naisugod sa mga ospital ang mga biktima.
Nanghihina na anya ang mga biktima na karamiha’y bata pagdating ng mga rescuer.
Papanagutin naman ng lokal na pamahalaan ng Lake Sebu ang organizer ng nasabing aktibidad.