Aabot sa 100 pamilya ang nawalan ng matitirhan dahil sa nangyaring sunog Barangay 650, Intramuros, Manila city kahapon.
Karamihan sa mga apektadong pamilya ay naiwang na natutulog sa kalye kasabay ng panawagan ng mga ito ng tulong sa gobyerno.
Habang ngayong Linggo ay binigyan na ang mga ito ng makakain ng Manila Department of Social Welfare at nangako rin ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng tulong.
Nabatid na batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas sa apat na alarma ang naturang sunog na nagsimula mag-aalasingko ng hapon nitong Sabado na tumagal ng nasa limang oras at idineklarang fire out pasado alas nuebe ng gabi.
Habang wala namang naitalang nasawi dahil dito.