Tinatayang 100 pang Pilipino ang hindi pa rin makaalis sa gitna ng kaguluhan sa Afghanistan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dalawang beses nilang sinubukang ilipad ang mga Pinoy patungong New Delhi, India at Islamabad, Pakistan pero nabigo dahil limitado ang commercial flights.
Isa rin sa dahilan ng pagka-unsyami ng repatriation ang pagdagsa sa Hamid Karzai International Airport sa Kabul ng libo-libo kataong nais umalis ng Afghanistan.
Pinayuhan naman ng DFA ang mga natitirang Pinoy sa Afghanistan na maging handa sa repatriation at huwag magdala ng maraming gamit.—sa panulat ni Drew Nacino