Nasa 100K Public Utility Vehicles o PUVs ang nakakabiyahe na sa Metro Manila.
Ito’y sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa bansa.
Ayon Transportation Sec. Arthur Tugade,nasa 80% na ang naturang bilang at posibleng madagdagan pa ito sa mga susunod na araw.
Dagdag ni Tugade, hindi pa umano maibabalik sa normal ang mga byahe dahil maaaring pagmulan ito ng matinding hawaan ng virus.
Bukod dito, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga City at provincial buses.
Sa ngayon,sinabi ng LTFRB, nasa 195 provincial bus lamang ang maaaring bumiyahe.— sa panulat ni Rashid Locsin