Aabot sa 103 bangkay sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City ang hindi pa nakukuha kung saan karamihan sa mga ito ay COVID-19 patients.
Dahil dito, nanawagan na ang pamunuan ng ospital sa mga kaanak ng mga nasawing pasyente na kunin na ngang mga ito sa kanilang morgue o di kaya’y magpadala ng kahit mga kinatawan lamang upang mailibing na ang mga bangkay.
Kaugnay nito, sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na mayroong nag-donate ng 40 foot refrigerated container van na maaaring paglagyan ng mga bangkay.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico