Hindi bababa sa 12 bagyo ang inaasahang papasok sa bansa sa panahon ng matinding El Niño na tatagal hanggang sa susunod na taon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ngayong buwan pa lamang ay posibleng dalawa hanggang apat na bagyo ang maranasan ng bansa, dalawa hanggang tatlo naman sa susunod na buwan at isa o dalawa sa Nobyembre.
Samantala, posibleng wala o isang bagyo ang pumasok sa bansa sa buwan ng Disyembre hanggang sa Pebrero ng susunod na taon.
By Judith Larino