Nagtipon ang aabot sa 130,000 na mga magsasaka sa Northern Punjab state sa India bilang pagpapakita ng maigting na pagtutol sa bagong batas na kaugnay sa pagsasaka.
Batay sa ulat ng Reuters, nasa 10k ang mga magsasakang tatlong buwan ng nasa labas ng Delhi upang manawagan na ipawalang bisa ang tatlong reporma sa batas sa pagsasaka na anila’y magiging pahirap sa kanila at kapakinabangan naman sa mga malalaking korporasyon.
Ayon sa pinuno ng mga magsasaka na si Joginder Ugrahan, nagtungo ang mga magsasaka Punjab upang ipaalam ang nagaganap na pagkilos sa Delhi at kung ano ang susunod na magaganap.
Tinatayang nilahukan ng nasa 10k kababaihan ang pagkilos at may kabuuang bilang na aabot sa 120,000- 130,000 na ayon sa kapulisan ay ang isa sa pinakamalaking kilos-protesta laban sa batas.
Matatandaang una nang inihayag ni Prime Minister Narendra Modi na handa siyang ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng naturang batas subalit tumangging ipasawalang bisa ito.
Paliwanag ni Modi, ang naturang batas ay makatutulong upang makakuha ng mas murang presyo ang mga magsasaka.
Giit naman ni Bharatiya Janata Party, isang senior official ng pamahalaan handa aniyang dinggin ng gobyerno ang panawagan ng mga magsasaka subalit pinahahaba lamang ng oposisyon ang talakayan kaugnay sa usapin.—sa panulat ni Agustina Nolasco