Nailigtas ng PNP Regional Anti-trafficking Task Group sa Central Luzon ang nasa 14 na kababaihan mula sa China at Vietnam sa isang hinihinalang prostitution den sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.
Batay sa ulat, kinabibilangan ng walong Chinese at anim na Vietnamese na may edad 24 hanggang 43 anyos ang mga biktima.
Pinaniniwalaan naman na ang dalawang lalaking Chinese na naaresto ang nasa likod ng operasyon ng naturang prostitution den.
Napag-alaman din na mga foreign nationals ang parokyano ng lugar at nagkakahalaga umano ang bawat transaksyon ng 6,000 hanggang 10,000 piso.