Patay ang hindi bababa sa 15 katao sa pag-atake sa isang mosque sa headquarters ng special emergency force sa Abha, Saudi Arabia.
Ayon sa report, itinaon ng suicide bomber sa oras ng panalangin, ang kanyang pag-atake, dahilan para masawi ang mga miyembro ng special emergency force, kabilang ang ilang trabahador sa compound.
Ang pag-atake ay inako ng Islamic State.
By Katrina Valle