Tinatayang 2.5 milyong tao ang dinadapuan ng HIV o human immunodeficiency virus kada taon.
Ito’y sa kabila ng sinasabing pagbaba ng bilang ng mga namamatay sa HIV habang ang mga virus-carriers ay mas tumatagal din ang buhay.
Ayon kay Dr. Haidong Wang ng Institute for Health Metrics and Evaluation o IHME, ito’y nangangahulugan na kahit malakas ang kampanya laban sa naturang sakit ay marami pa ring tinatamaan nito.
Inilathala ang nasabing comprehensive analysis sa Lancet HIV Journal sa layuning masuri ang kasalukuyang HIV cases matapos dapuan nito ang 30 milyong tao simula noong 1980s.
By Jelbert Perdez