Nasa dalawang milyong COVID-19 vaccine doses ang inaasahang mag-e-expire sakaling hindi magamit sa June 30.
Ito ang sinabi ni Department of Health undersecretary Myrna Cabotaje pero sa katapusan ng buwang ito pa malalaman ang kabuuang bilang ng mga bakunang masasayang.
Dagdag pa niya na nagsumite na ang kagawaran ng demand forecast ng mahigit 30 milyong doses ng bakuna.
Ito aniya ay ang mga pamalit sa mga nag-expire at mag-e-expire pa lamang na bakuna kabilang ang brand na Sinovac, Aztrazeneca at Pfizer.
Samantala, sinabi ni Cabotaje na mahigit 73.7 milyong indibidwal ang nabakunahan ng unang dose habang 69.1 milyon ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19.