Pumalo na sa 200 hanggang 300 pamilya ang nawalan ng tahanan, matapos ang sunog na naganap kahapon sa Bagumbayan, Navotas City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nananatili sa mga paaralan ang mga naapektuhang residente at sa San Ildefonso Parish, Navotas Centennial Park, na ginagamit bilang COVID-19 facility.
sa huling datos pa ng BFP, lima na ang nasawi sa sunog makaraang matupok ang isang residential area.
Umabot pa sa Task Force Alpha ang sunog bago maapula dakong alas-8:30 ng gabi.
Inaalam na ang sanhi ng pagkalat ng apoy at halaga ng mga natupok o napinsalang mga ari-arian.