Stranded pa rin ang nasa 200 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito’y dahil sa limitado pa ring flights pauwi ng kani-kanilang mga lalawigan.
Dahil dito, napilitan na lamang ang mga OFWs na magpalipas ng gabi at ulan sa ilalim ng skyway, puno at kung saan pang masisilungan.
Ilan sa mga OFWs na ito ay tatlong araw nang naghihintay ng kanilang flight para makauwi na sa kanilang tahanan.