Ide-deport ng Eastern Sabah Security Command o ESSCOM sa nalalapit na panahon ang 200,000 illegal immigrants kabilang ang mga Pilipino sa nasabing lugar.
Ayon kay Datuk Seri Dr Shahidan Kassim, hindi pa tiyak kung ilan ang kabuuang bilang ng bawat nationality dahil sa kakulangan ng dokumento ng mga ito.
Ibinahagi naman niya na 407,873 illegal immigrants ang pinabalik nilang mga banyaga sa kani kanilang country of origin mula 1990.
Kabuuang 242,354 dito ay galing sa Pilipinas at Indonesia, at ang 161,070 ay galing naman sa iba’t ibang bansa.
Samantala, muling nanawagan si Shahidan sa pamahalaan ng Pilipinas na tulungan silang hulihin ang Muktadil Gang na sila’y di umano responsable sa kidnapping na naganap sa Sabah noong Mayo 14.
By Judith Larino | Kevyn Reyes