Sinuspinde at kinasuhan ang nasa 21 hukom sa unang 6 na buwan ng 2019 dahil sa mga maling gawain o paglabag sa mga panuntunan.
Ito ang inihayag ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa isang event.
Ayon kay Bersamin, bukod sa mga hukom na sinuspinde may 94 na empleyado rin ng mababang hukuman ang nasibak sa serbisyo dahil din sa mga iregularidad.
Ani Bersamin ang naganap na paglilinis sa Korte Suprema mula sa mga tiwaling empleyado at hukom ay alinsunod sa kaniyang pangako simula nang siya ay italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ika-28 Chief Justice.
Nabatid din na batay sa tala ng office of the bar confidant, mayroong 83 abogado sa unang 6 na buwan ang naparusahan ng disbarment at suspensyon.