Nasa higit 20 ‘ninja cops’ lamang ang binabantayan ng Philippine National Police o PNP.
Ito ay ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac.
Aniya, mula sa 87 kabuuang bilang ng mga umano’y ninja cops tatlong taon na ang nakakaraan, nasa 22 na lamang ito.
Dagdag pa nito, hindi na organisado ang kalakalan ng mga ito hindi katulad noong mga nakaraang taon.
Matatandaang magkakaroon ng pagdinig ang Senado hinggil sa naturang isyu kung saan inaasahang haharap ang mga tinaguriang ‘ninja cops’.