Lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Philippine Coast Guard (PCG) upang isama ang mga tauhan ng PCG sa priority-beneficiaries ng pambansang pabahay para sa Pilipino Program ng Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, ang kasunduan sa PCG ay batay sa direktiba ng Pangulo na isama ang mga uniformed personnel sa mga prayoridad sa programa.
Kung saan nasa 2K tauhan ng PCG ang inaasahang makakasama sa benepisyaryo ng pabahay program ng gobyerno.
Samantala bukod sa PCG, tinitingnan din ng DHSUD na maisama ang mga miyembro ng Departments of National Defense (DND) at Department of Interior and Local Government (DILG) para sa pabahay program.