Naniniwala ang ilang eksperto na nakararanas na ngayon ng second wave ng COVID-19 pandemic ang Pilipinas.
Ayon kay Dr. Jomar Rabajante ng UP COVID-19 pandemic response team, maikukunsidera nang second wave ang nararanasan ngayon na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ani Rabajante, nagawa sana nating mapigilan mangyari ito kung nagpatuloy ang paggawa ng hakbang para hindi lalong lumala ang pagkalat ng nakakahawang sakit.
Halimbawa sana ng mga hakbang ay ang pagiging maaga ng vaccine rollout, maingat sa pagbubukas ng ekonomiya ng bansa at pagiging handa sa pagpasok ng mga bagong variant ng COVID-19.