Tinatayang 30 katao ang patay sa pagsabog sa siyudad ng Yola sa Nigeria.
Ayon sa report, nangyari ang pagsabog sa palengke sa Yola kung saan abala na ang mga tao sa pagsasara ng kanilang mga tindahan.
Noong Sabado lamang nang binisita ni Nigerian President Muhammadu Buhari ang Yola matapos ideklara nitong malapit nang matalo ng pamahalaan ang Islamist militant na Boko Haram.
Matatandaang noong nakaraang taon, dalawang beses din binomba ng Boko Haram ang siyudad ng Yola.
By Ralph Obina
*Photo grabbed from: Reuters