Nakauwi na sa Bicol Region ang tinatayang 300 mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Metro Manila.
Ayon kay Rowena Alzaga, tagapagsalita ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Bicol, nagsimula pa noong nakaraang linggo nang tumanggap aniya sila ng mga umuuwing OFWs, kaya’t pumalo na ito sa halos 300 mga returning OFWs.
Dadag pa ni Alzaga, may inaasahan pa silang paparating na mga OFWs lulan ng tatlong bus mula Metro Manila.
Samantala, giit ng OWWA-Bicol, bagamat walang problema sa mga local government units (LGUs) ang pagbabalik-probinsya ng mga ito, dapat pa ring may sapat at kaukulang dokumento ang mga naturang OFWs.