Lalarga na simula ngayong araw ang Fire Safety Inspection ng Bureau of Fire Protection of the Philippines sa tinatayang 300,000 gusali, sa Metro Manila.
Ito, ayon kay BFP-NCR Spokesman, Supt. Renato Marcial, ay upang matiyak na sumusunod ang mga establisyimento sa Fire Safety Code at kung mayroong Fire Safety Inspection Certificates o FSIC ang mga ito.
Gayunman, aminado si Marcial na hindi sapat ang isang linggong deadline na ibinigay sa kanila dahil sa kakulangan ng manpower.
By Drew Nacino | ChaCha