Halos 300k katao ang dumalo sa grand rally nina Partido Federal ng Pilipinas presidential bet, dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at running mate niyang si Lakas-CMD vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Cebu.
Inorganisa ang aktibidad para sa UniTeam ng One Cebu Party sa pangunguna nina Governor Gwen Garcia; Lakas-CMD President at House Majority Leader Martin Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda Romualdez.
Ito na sa ngayon ang pinaka-malaking crowd para sa UniTeam na isinagawa sa number one vote-rich province, halos tatlong linggo bago ang Halalan.
Binigyang-diin ni Garcia na ang Mega rally ay isang matibay na indikasyon ng suporta ng mga cebuano kina Marcos at Duterte-Carpio.
Isinagawa ang naturang aktibidad sa 30-ektaryang lote sa Cebu City, kagabi kung saan kabilang sa mga nag-perform para sa uniteam sina Andrew E. at Toni Gonzaga.
Nagpasalamat naman si BBM sa mga Cebuano lalo sa mga City official at iba pang alkalde sa lalawigan sa pag-organisa sa pinaka-malaking rally ng UniTeam.